Posts

Showing posts from May, 2018

Sa Tuwing Ipipikit Ko ang Aking mga Mata

Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, Nakikita ko ang iyong mukha At aking napagtatanto kung paano Kinatay ng pera, trabaho at mga tao Ang pagkamalikhain ko. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, Nakikita ko ang iyong mukha Na animoy mala- halimaw na anino Ng isang nkalimutang panaginip Na nakabaon sa lumipas na mga taon Ngunit minumulto ako hanggang ngayon. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, Nakikita ko ang iyong mukha At batid ko ang hapdi ng mga sugat Ng mga nasirang pangarap Na ibinulong ko lahat sa dagat, At ang dagat ang tanging nakakaalam Kung ano ang tunay na nilalaman Ng puso na pilit namang kinkalimutan  ng isipan Dahil akoy nasasaktan Sa tuwing naaalala ang sumpa Na maging malaya sa kandungan Ng sining at musika At mga nag aapoy na salita Na isusulat sa papel ng tinta. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata Nakikita ko ang iyong mukha At ang sinsasabi sakin ng iyong mga mata: "Mahal, maging malaya ka. Maging malaya ka na.&qu