Sa Tuwing Ipipikit Ko ang Aking mga Mata

Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata,
Nakikita ko ang iyong mukha
At aking napagtatanto kung paano
Kinatay ng pera, trabaho at mga tao
Ang pagkamalikhain ko.
Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata,
Nakikita ko ang iyong mukha
Na animoy mala- halimaw na anino
Ng isang nkalimutang panaginip
Na nakabaon sa lumipas na mga taon
Ngunit minumulto ako hanggang ngayon.
Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata,
Nakikita ko ang iyong mukha
At batid ko ang hapdi ng mga sugat
Ng mga nasirang pangarap
Na ibinulong ko lahat sa dagat,
At ang dagat ang tanging nakakaalam
Kung ano ang tunay na nilalaman
Ng puso na pilit namang kinkalimutan  ng isipan
Dahil akoy nasasaktan
Sa tuwing naaalala ang sumpa
Na maging malaya sa kandungan
Ng sining at musika
At mga nag aapoy na salita
Na isusulat sa papel ng tinta.
Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata
Nakikita ko ang iyong mukha
At ang sinsasabi sakin ng iyong mga mata:
"Mahal, maging malaya ka.
Maging malaya ka na."

Comments

Popular posts from this blog

Ulan

Her Reign of Terror