Ulan

Nang aking idilat ang malulungkot kong mga mata
Ibinungad sa akin ang isang tahimik na digmaan-
Digmaan ng magkatunggaling liwanag at karimlan
Na pinaluha ang kalangitan na tinatawag na "ulan."
Unti- unti ang luha ng langit ay naging luha ko,
Tumilamsik at tumulo sa mukha kong pinagkaitan ng ligaya
At walang ano- ano'y naisip ko-
Ikaw marahil din ba ay nabasa?
Marupok na ngiti lamang ng aking labi ang sumagot
Na tila winiwikang "Hindi, kanlong sya ng kanyang iniibig.
Ligtas sya sa malupit na ulan, samantalang ikaw,
Pati kaluluwa mo'y basang- basa diyan."
At nahabag ako sa aking kinahinatnan,
Kailan pa natutong manakit ang ulan?

"Dito na lamang po ako," wika ko sa cocherong may makabagong sasakyan at iniabot ang bayad.
"Salamat, Binibini", sagot nya, "tila nilalamig ka na."
"Ayos lang ako Ginoo, sanay ako sa malamig na pakikitungo
Ng ulan, ng langit, at ng iniibig ko."

Comments

Popular posts from this blog

Sa Tuwing Ipipikit Ko ang Aking mga Mata

Her Reign of Terror